Kamusta ka?

Entries for February, 2012

Inggit

Hindi kita mahal. Pero bakit ako nagseselos? Hindi siguro. Sa tingin ko, inggit ito. 

Posted February 6th, 2012 at 02:07 PM :: Ano masasabi mo?

unang taon.

Kaya pala kay tamis ng pag-iibigan nila. Unang anibersaryo palang pala nila. Pero bakit nakatira na sila agad sa ilalim ng isang bubong? Ang kabataan nga naman. (Nakakainggit).

Naiiisip ko tuloy, sa mga susunod na taong pagdada-anan pa namin, sila parin kaya hanggang sa huli?

Pusta ko hindi. Gusto ko siya, at siguro gusto ko din siyang masaya. Pero pasensya na. Kung may natutunan ako sa edad ko, iyon ay ang ilusyon ng pag-ibig ay nawawala pagkatapos ng una (o pangalawang) taon.

Oo na, mapait na kung mapait. Minsan lang naman ako magka-ganito.

 

Posted February 7th, 2012 at 12:22 PM :: Ano masasabi mo?

Kamusta?

"Kamusta ka na?"

Tanong ko kanina sa text message ko sa'yo, pero hindi ka na sumagot. Alam ko naman kung saan ang lugar ko...pasensya na kung sobra na pala ang pagkamusta ko lang sa'yo.

Minsan, naisip ko tuloy na maswerte pa ang mga bulag, hindi na nila kailangan pang mabulag sa kagandahan ng itsura ng mga tao...boses lang, masaya na sila. 

Sana hindi na ako mabulag sa kagandahan. Sumosobra narin minsan e...nakakasawa na. Kawawa naman ang puso ko, lagi nalang bigo.

Pasensya na. Sa susunod, tatahimik nalang ako. :(

Posted February 12th, 2012 at 03:21 PM :: 1 na jejemons

Hindi malilimutan

Patawarin mo ako,

mapaglarong isipan.

Mapapatawad mo ba ako?

O sadyang makakalimutan ang

mga sulat ko sa iyo?

Bakit ba kung sino pa ang dapat mong kalimutan ay siya pa ang lalo mong iniisip. Tama nga ang sabi nila sa mga palabas: Hindi mo kayang patayin ang isang ideya.

Posted February 19th, 2012 at 02:50 PM :: Ano masasabi mo?

« 2012/01 · 2012/03 »
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART