Kamusta ka?

Entries for January, 2012

Ang Valentimes. Bow.

Alam mong mag-Pepebrero na kapag nakita mo ang mga hugis pusong tsokolate sa mga shelves ng department stores, pulang-pula at hindi na mapipigilan para sa isa na namang tiyak na nagliliyab na romantikong buwan ng mga puso. Pero ano kamo ang ibig sabihin nito para sa isang "single" na katulad ko? Abay sabihin mo sa akin.

Ikaw, oo ikaw na nagbabasa nito. Sa buwan ng Pebrero, magiging isa ka na naman sa dalawang uri ng tao na meron sa buwang ito: "Single" o "In a relationship". Kung ikaw ay isang "In a relationship", bahala ka sa buhay mo at maghihiwalay din kayo nyan. At kung ikaw naman ay nasa kategoryang "Single" edi kawawa ka naman. Siguro gusto mo na ding magkaroon ng syota katulad ko (pero para sa Pebrero lang).

Kausap ko si crush kanina at hulaan nyo ang di umano'y "favorite holiday" nya daw...Valentine's Day. Alam ko, alam ko...hindi isang holiday ang Valentine's. Pero sige, pinabayaan ko na din kasi ang totoo ay nagseselos ako. Pero hindi sa rason na iniisip ninyo. Nagseselos ako dahil isa akong "Single" habang siya naman ay isang "In a relationship".

Aminin nyo, masakit naman talaga ang maging Single hindi ba? Isipin mo, nag-iisa ka; wala kang kahalikan; wala kang confidante; at higit sa lahat, walang ka-date sa buwan kung saan mas nagpapapansin ata ang mga "In a relationship" na tao. Mga KSP talaga sila (pero joke lang, alam ko miserable din kayo).

Pero alam nyo, mga single, hindi naman ganun kasama ang maging single e. Wala tayong kumukulit sa atin pag-late na tayo umuwi. Wala tayong paggagastusan ng mga unecessary "monthsaries" or "anniversaries" natin. At higit sa lahat, wala tayong dapat amuhin pagtayo ay nagalit dahil sa kakulitan ng mga iba diyan. O diba?

Masaya maging single! 

Kaya kung ako sayo, "In a relationship", ibreak mo na yan! Sumama ka na sa aming mga "Single and ready to mingle!" Hindi man kami "in" sa buwan na ito e... kayo nalang tumapos nito.

Posted January 24th, 2012 at 01:14 PM :: Ano masasabi mo?

Mahal kita.

Madaling sabihin. Mahirap gawin.

 

Tandaan nyo yan. Oo, kasama ka dyan, bobo.

Posted January 26th, 2012 at 10:26 AM :: Ano masasabi mo?

Mahal din kita.

"Sa mga Filipino movies, mabilis sila magsabi ng mahal kita." Siguro nga. Hindi ko alam kailangan muna palang magpakamatay bago pa magkaroon ng karapatan sabihin iyon. Pero totoo naman. Masyado na ngang gasgas ang kasabihang "Mahal kita" na ito'y napagkakamalan na minsan para sa "Crush lang kita." Anong pinagkaiba? Ang isa madaling mawala...at ang isa tinutupad. Alam ng lahat ng nagmahal kung ano ang ibig sabihin ng "tinutupad" na iyon.

Pero salamat nalang sa pag-sama. Salamat na din sa pag-iwan. Ipinaalala mo sa akin ang sarap ng pagmamahal at ang sakit ng realidad.

Ang puso nga naman, puro pakiramdam lang ang pinaiiral...

Kung naging Hapon kaya ako, Puti o Koreano, magiiba kaya ang kwento natin? Ay! Kahit ano nga pala sa mundong to. Basta't gwapo at mayaman. Ang malas ko naman.

Posted January 28th, 2012 at 02:46 PM :: 2 na jejemons

Humihiling. Umaasa. Nagdarasal.

Pagod na ako magsalita. Bakit ba hindi nalang tayo magusap gamit ang ating mga isip? Siguro mas maiintindihan mo ang aking mga sinasabi, ingles man o tagalog.

Sana ganun nalang tayo. Yung alam mong gusto kita, at alam ko rin mismong hindi mo ako gusto (at walang kapaga-pagasa). Siguro mas mabuti naring malinaw at nagkakaintindihan. Hindi tulad ng ganto. Naghihintay sa susunod mong galaw. Umaasa. Nagdarasal. Lumalayo.

Bakit nga naman ang buhay, puno ng mga kalokohan. Ang gusto mo, hindi ka gusto...at ang may gusto sa'yo, kahit ano pang pagpipilit ang gawin, hindi mo naman gusto. 

Gisingin nyo nalang ako 'pag tapos na ang Pebrero. Bwisit na buwan yan.

Posted January 30th, 2012 at 10:06 AM :: Ano masasabi mo?

hartbreyk

Bakit ba tinatawag na "heartbreak" ang heartbreak kung paulit-ulit naman itong pwedeng mangyari? Ang mga nababasag, tinatapon at pinapalitan, ang puso, kahit gaano pa natin kagusto, hindi kayang itapon.

Lilipat na daw ang kanyang kasintahan sa bahay nya... sana hindi ko nalang nalaman. </3 *psssh*

Posted January 31st, 2012 at 01:23 PM :: Ano masasabi mo?

« 2011/04 · 2012/02 »
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART