Kamusta ka?

Mukhang pera

Tignan mo nga naman oh, nasayang na naman ang isang araw ko. Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko pero nagsawalat-wala din. 

Parang puro nalang patalo ang nangyayare sa buhay ko ngayon. Nakakalungkot lang. Bakit nga ba ako nasa ganitong kalagayan ngayon? Produkto siguro ng mga desisyon ko na ayaw ko din naman.

Sinasabi ko nga minsan sa D'yos, sana payamanin nalang ako o patayin, basta kung ano man ang mauuna. Bumili ako ng lotto kanina. Sana yun na.

Posted February 25th, 2024 at 05:13 PM :: Ano masasabi mo?

Ibang buhay

Ang sama ng loob ko. Huli talaga ako sa lahat. Comparison is the thief of Joy, ika nga, pero hindi naman talaga maiiwasan yun. Lahat sila may kaibigan, bahay, anak, pera, at lahat ng wala ako.

Ayaw ko ng trabaho ko. Ayaw ko ng kakarampot kong kita. Ayaw ko na wala akong pagpipilian sa buhay ko.

Miserable talaga. Parang araw araw nalang pasama ng pasama ang buhay. Gusto ko nang mamatay o yumaman sa lalong madaling panahon kung ano man ang mauuna.

Leche talaga. Sana naging kurakot na pulitiko nalang ako.

Posted February 7th, 2024 at 05:32 PM :: Ano masasabi mo?

Posted July 27th, 2022 at 06:00 PM :: 2 na jejemons

Shame on you

Dalawa nalang ang klarong pagpipilian, nagkamali ka pa. Siguro may mga panggulo nga talaga pero bakit naman sa lahat ng iboboto mo, yung magnanakaw/tax evader/liar pa? Miss mo Martial Law, teh? Sa Miss Universe ang dami mong hinahanap tapos sa presidente basta mabait (kuno) pwede na?

Kabaliwan ang umasa ng pagbabago kung wala namang ginagawang bago. 

Good luck nalang talaga.

Posted May 13th, 2022 at 03:29 PM :: Ano masasabi mo?

Magbago ka naman Pinas!

Hindi ba nagtataka ang mga kababayan natin? Pag nila ang nagnakaw, siguradong may ikukulong (o mapaparusahan), pero kapag ang pulitiko, maraming satsat at maraming araw na gugugulin para lang mapatunayan. Siguro nga naman kasi, ito yung mga hindi nakikita ng marami. Pero hindi nga ba?

Mga mukha at ngalan na nakalagay sa mga donasyon, ang biglang pagyaman, ang mga pangit na imprastraktura kahit na matagal nang nakaupo. Hindi ba ito  mga senyales na nagnanakaw ang isang pulitiko? Eh bakit natin ibinoboto ng paulit-ulit? Dahil sikat? Maganda ang mukha? Mukhang mabait? Hindi ba panahon na para isipin naman natin ng mabuti kung ano ang dapat na katangian ng maayos na pulitiko? Wag naman sana tayo bumoto sa pulitikong wala naman nagawa o kaya naman hindi maganda ang track record.

Ah ewan. Siguro nga nakatakda na nga hindi umuunlad ang Pilipinas.

Walang magbabago kung tayo mismo ayaw ng pagbabago.

Posted January 27th, 2022 at 05:36 PM :: 1 na jejemons

CPR

Ganito nga pala ang pakiramdam ng sawi (o nasasawi) sa pag ibig ano? Mabigat na puso, nasusuka, nagpapawis, and hindi mapalagay. Parang atake sa puso pero hindi naman. Pero teka, kaya siguro parang ganun din ang tawag sa ingels- heart-broken.

Pakiramdam ko nawala na ang pagmamahal sa aming dalawa. May mga "Mahal kita..." Pero tila walang kahulugan o "weight" na kapag sinasabi. Parang isang dasal na noo'y taimtim at mula sa puso, na ngayo'y isang tunog na wala nang kaluluwa.

Hindi pa kami naglihis ng landas syempre. Pero sa tingin ko ay dun na din kami patutungo. Parang isang tren na na iba na ang "switch" para maiba na ang pararaanan. 

Mahal ko pa ba sya? Syempre. Pero pakiramdam ko ay wala akong kinabukasan sa taong ito. Hindi ko pa ito tatapusin syempre. Pero dapat na akong maging handa. 

Ang pag ibig na ito ay parang lobo, minsan dinala ako nito sa langit, ngunit ngayon, ito ay nawawalan na ng hangin, at siguro, oras na din bumaba sa katotohanan.

Posted May 24th, 2020 at 12:39 PM :: Ano masasabi mo?

Halaga

Sabi nga sa libro ni Dale Carnegie na "How to Win Friends and Influence People", everyone wants to be loved nga daw. Everyone wants to feel important.

E bakit, kung mahal ka nga talaga nya, bakit parang hindi mo parin nararamdaman na mahalaga ka sa kanya? Mahal ka ba nya? O masyado ka lang naghahanap ng atensyon?

Marami pa akong hindi alam sa pag ibig. Kahit ilan pa mang teleserye, K-drama, o palabas pa ang aking panoorin, sadyang wala lang talagang tamang recipe ang buhay ng pagibig ko. 

Ang sarap sana pag usapan ano? Masaya na kung masaya. Pero kapag kumirot ay para mo nang gustong tapusin lahat. Madali sabihin na tanga ang isang taong nagpapakatanga sa pagibig. Pero kapag ikaw na ang nasa sitwasyon, tanga ka din pala. 

Oo. Hinahanap-hanap ko siya. Tanga man o hindi. Ito ang alam ko. 

Posted February 1st, 2020 at 04:39 PM :: Ano masasabi mo?

Marcos

Payagan na kasi ilibing yan sa libingan ng mga bayani. Pwede naman i-vandalize yun ng paulit-ulit hanggang umalis e. Eto ang mga tips ko:

1. Tapunan ng mga basura

2. I-tag na "magnanakaw" gamit ang spray paint

3. Sirain ang mga bulaklak, estatwa, puntod

4. Ihian/lagyan ng tae/duraan

5. Lagyan ng mga patay na daga/hayop at kung anu-ano pang mababahong bagay

6. Tapunan ng pintura 

O kayo naman mag-isip ng kung anu-ano pang creative na paraan para iparamdam sa mga Marcoses na hindi dapat ilibing ang isang magnanakaw/diktador sa himlayan na reserba para sa mga bayani.

Posted November 10th, 2016 at 05:03 AM :: Ano masasabi mo?

Ogag Hall of Fame #1: Nigel Farage

Gago pala tong taong to eh. Inihiwalay ang UK sa EU tapos ngayong bumabagsak na sila, iiwanan na sila. E at least si Erap nag-stay sa bansa nung binalahura nya ito. Tang-ina, mukha palang nakakainis na. Bakit ganon, may mga tao na sa mukha palang makikita mo nang isang gago? Si Nigel Farage, complete package pa sa pagiging gago. Akalain mo, nabanggit ko pa talaga sya dito...

Napadpad narin naman tayo sa usapan tungkol sa mga gago, ngayong ibabalik na ni Du30 ang death penalty, masasampolan kaya si Binay Jr.? #BItayiNAY

Posted July 4th, 2016 at 11:15 PM :: Ano masasabi mo?

« Newer · »
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART