Kamusta ka?

Lungaw

Iniisip ko lang... Mga ilang araw na din pala akong hindi maayos ang tulog, kumakain ng madami at low energy. Ilang araw ko na din iniisip na sana mawala nalang ako ng parang bula. Parang nalulungkot ako sa estado ng buhay ko. Parang nakadikit ako sa kinatatayuan ko na walang pagbabago kahit ilang buwan na lumilipas. 

Masakit ang ulo, punong puno sa lahat ng kalungkutan na naiisip ko. Kahit ayaw ko ikumpara ang buhay ko sa iba ay ginagawa ito ng puso ko ng walang pag aatubili.

Ayaw ko na sana isipin ang sarili ko. Madami pang mas naghihirap... pero ito lang talaga ang aking nararamdaman.

Bakit ganon, ang hirap mabuhay? Para saan ba lahat ng hirap na ito? 

Posted April 21st, 2024 at 12:48 PM :: Ano masasabi mo?

kamusta requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART