Kamusta ka?

Tumbalik: ang debate sa "Freedom of Speech"

Tukmol: Sa madaling salita, sinasabi mo na hindi ka naniniwala sa "freedom of speech"?!

Punggok: Ang sinasabi ko lang ay hindi porket may freedom of speech ay kaya na natin sabihin ang kahit na anong gusto nating sabihin. Kung iyong titignan sa...

Tukmol: Mali ka! May karapatan ang bawat tao sa opinyon nila!!!

Posted January 9th, 2015 at 08:17 AM :: Ano masasabi mo?

Walang gelpren

Magpapasko na nga wala parin akong gelpren?! 

Sabi nila mas madali daw humanap tuwing mga holiday tulad ng ganito dahil mas bumababa daw ang standards ng mga babae dala ng paglamig ng panahon.

Maka-labas nga...

Okey! Sino ang mag-aaply dyan?!

Posted November 22nd, 2014 at 08:57 AM :: 1 na jejemons

Sino si Onan (o ang kwento ni Ogag)

Babala: Kwentong bastos.

Sa halip na pag-aaral ang atupagin, naisip ko na i-google itong unang pumasok sa isip ko.

Naaalala ko kasi nung high school nung isa sa mga kaklase ko na ang pangalan ay itago natin sa pangalang Ogag. Ogag kasi parang kapareho nya umarte si Snoop Dog sa padroga-droga nya at pati narin sa pagsasalita nya. Anyway, nung binigyan kami ng project sa Science dati, napili nya na gawing thesis paper ang "masturbation". Uso kasi sa high school nuon yun e.

Di ba may joke pa nga:

"Inglisin mo nga yung Jack, tawagan mo ako"

"Jack, kol me"

(tawanan)

Isang araw kasi, nakalimutan ko na kung bakit, itinanong nya sa akin kung kilala ko daw ba kung sino si Onan.

"Sino ba yun?" ang tanong ko.

"Si Onan kasi yung unang nag-jakol kaya pinatay sya ni God" ang sagot nya sabay pakita sa akin ng mga rinesearch nya sa mga website na may "geocities" at kung anu-ano pa.

Naintriga ulit ako ngayong gabi kaya ri-nesearch ko uli. Ang sabi sa Wikipedia:

After Onan's brother Er was slain by God, his father Judah told him to fulfill his duty as a brother-in-law to Tamar, by giving her offspring. However, when Onan had sex with Tamar, he withdrew before climax[3] and "spilled his seed [or semen] on the ground", since any child born would not legally be considered his heir.[4] He disregarded the principle of a levirate union, so God slew him.[5]

E napaisip tuloy ako, ayaw lang makipag-talik sa asawa ng kapatid nya, patay na agad? Naalala ko rin nuon yung isang kwento kung saan yung isang taga-Indonesia ay nakulong (o nabitay?) dahil nahuli nilang "kumakambyo" sa kotse nya.

Ano sa tingin nyo, masama nga ba talaga ang pag-e-"M"?

Posted May 1st, 2014 at 11:25 PM :: 1 na jejemons

Ang Valentimes. Bow.

Alam mong mag-Pepebrero na kapag nakita mo ang mga hugis pusong tsokolate sa mga shelves ng department stores, pulang-pula at hindi na mapipigilan para sa isa na namang tiyak na nagliliyab na romantikong buwan ng mga puso. Pero ano kamo ang ibig sabihin nito para sa isang "single" na katulad ko? Abay sabihin mo sa akin.

Ikaw, oo ikaw na nagbabasa nito. Sa buwan ng Pebrero, magiging isa ka na naman sa dalawang uri ng tao na meron sa buwang ito: "Single" o "In a relationship". Kung ikaw ay isang "In a relationship", bahala ka sa buhay mo at maghihiwalay din kayo nyan. At kung ikaw naman ay nasa kategoryang "Single" edi kawawa ka naman. Siguro gusto mo na ding magkaroon ng syota katulad ko (pero para sa Pebrero lang).

Kausap ko si crush kanina at hulaan nyo ang di umano'y "favorite holiday" nya daw...Valentine's Day. Alam ko, alam ko...hindi isang holiday ang Valentine's. Pero sige, pinabayaan ko na din kasi ang totoo ay nagseselos ako. Pero hindi sa rason na iniisip ninyo. Nagseselos ako dahil isa akong "Single" habang siya naman ay isang "In a relationship".

Aminin nyo, masakit naman talaga ang maging Single hindi ba? Isipin mo, nag-iisa ka; wala kang kahalikan; wala kang confidante; at higit sa lahat, walang ka-date sa buwan kung saan mas nagpapapansin ata ang mga "In a relationship" na tao. Mga KSP talaga sila (pero joke lang, alam ko miserable din kayo).

Pero alam nyo, mga single, hindi naman ganun kasama ang maging single e. Wala tayong kumukulit sa atin pag-late na tayo umuwi. Wala tayong paggagastusan ng mga unecessary "monthsaries" or "anniversaries" natin. At higit sa lahat, wala tayong dapat amuhin pagtayo ay nagalit dahil sa kakulitan ng mga iba diyan. O diba?

Masaya maging single! 

Kaya kung ako sayo, "In a relationship", ibreak mo na yan! Sumama ka na sa aming mga "Single and ready to mingle!" Hindi man kami "in" sa buwan na ito e... kayo nalang tumapos nito.

Posted February 2nd, 2014 at 01:34 AM :: 1 na jejemons

Yolanda (Haiyan) by the numbers

Haiyan: category 5 supertyphoon, 147mph of sustained winds with 170 mph gusts

Katrina: category 3 by landfall, 129 mph sustained winds with 95 mph gusts (source)

3600 deaths and counting (source)

9 regions, 11.3M people affected (source)

1400+ homes damaged (source), 0.67 million people displaced  (source)

30+ foreign countries donated up to Php2.585B (source)

$301M* total funding requirements as per UN (source)

39 days before Christmas

*Php13.136B

Para sa isa pang "by the numbers" bisitahin ang: http://www.usatoday.com/story/news/world/2013/11/11/number-of-deaths-those-impacted-by-haiyan-typhoon/3494399/

Posted November 16th, 2013 at 03:45 AM :: Ano masasabi mo?

Pilipinas at Tsina: Love in a Time of Chaos

Marami ang nagagalit sa Tsina dahil sa babarya-barya nitong bigay tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Sa $100K na ipinangako nito (na di kalaunan ay dinagdagan ng $1.6M - out of delikadesa siguro) ay maituturing paring insulto ito kumpara sa $2.7M na ipinangako ng isang Swedish company lang na Ikea.

Kung angbabasa ka ng blog na ito, siguro naman ay alam mo na hindi ako isang tagahanga ng bansang Tsina dahil sa kanilang paglabag ng karapatang pantao at dahil sa kanilang pambu-bully sa bansang Pilipinas. Ngunit, sa pagkakataong ito, ipagtatanggol ko sila.

"Beggars can't be choosers" ika nga sa wikang Ingles. Sa kasabihang ito, ang pulubi ay ang Pilipinas at ang Tsina naman ang nagbibigay ng limos. Bakit tayo magagalit sa isang bansang nagbigay ng konting tulong kahit na wala naman silang  obligasyon na magbigay? Siguro nga "With great power, comes with great responsibility" ika nga ni Spiderman, pero, isipin natin, isa itong bansa na iniisip ng marami na wala nang ibang gusto kundi ang pahirapan ang Pilipinas.

Alam naman natin na hindi naging maganda ang relasyon ng Pilipinas at ng Tsina nitong mga nakaraang taon. Ilan ba sa atin ang nagbigay ng kaunting pera sa ating kaaway? Di ba hindi naman karamihan? 

$1.6M. Maliit kumpara sa meron ang Tsina, ngunit isang malaking tulong sa Pilipinas na tumataginting na Php68.8M. Kung meron kayong gustong kagalitan, eto ay dapat ang mga pulitikong patuloy na sumisira sa ating mahal na bansa. Si Marcos palang ay may nakurakot na P5-10B nung nakaupo sa siya (source). At ang bespren kong si Jinggoy naman ay yumaman ng 133% ng anim na taon lamang (source).

Sino nga ba ang magbibigay sa bansang pinamumunuan ng mga magnanakaw? May 30+ na bansa na kasama ang Tsina.

Posted at 03:44 AM :: Ano masasabi mo?

Madaling mag-sorry

Madali mag-sorry kung hindi mo kasalanan ang nangyari. (gago ka talaga, Erap)

Madaling umamin na crush mo ang isang tao kung maganda ang iyong itsura. (crush din kita, Jessie)

Madaling magpakumbaba kung ikaw ay pinupuri. 

Madaling magbato ng bato kung hindi ikaw ang tatamaan.

Madali ang salita sa taong walang nakakaalam ng pangalan.

Posted October 24th, 2013 at 09:55 AM :: Ano masasabi mo?

Disbursement Allocation Program (DAP)

Jinggoy for Pres-o

Alam ko namang masaya tayong mga Pinoy ngayon dahil nahuhuli na yang mga gagong yan sa mga pinaggagawa nila. Pero wag naman sana nating kalimutan ang nagbulgar ng lahat ng mga yan... Gusto ko naman na habang buhay pa ako, ay maisakatuparan na rin ang hiling ko sa ating mga Filipino. Pwede ba natin masampolan kahit isa man lang sa kanila?

Ibigay nyo na sa akin to mga pare at mare. Pwede bang makiusap sa Wish Ko Lang??

Posted October 4th, 2013 at 10:08 AM :: Ano masasabi mo?

Juan vs Unggoy

Kasusuweldo lang ni Juan galing sa pagsasaka nang makasalubong nya si Unggoy.

Unggoy: Kaibigan, kung bibigyan mo ako ng pera mo, igagawa kita ng makina para mas mapadali ang pagsasaka mo.

Juan: Talaga? O sige, mukha ka namang mapagkakatiwalaan kahit na mataba ka, heto ang pera ko.

Makalipas ang ilang araw, nakuha na ni Filipno ang makina na ipinangako sa kanya ni Unggoy. Nagkita sila muli ni Juan.

Unggoy: O kamusta ka na, Juan?

Juan: Okay naman ako, Unggoy, salamat. Kaso, nasira agad ang ibinigay mo sa aking makina sa pagsasaka...

Unggoy: Ah ganun ba? Kung bibigyan mo ako ng mas maraming pera, mas maganda ang magagawa kong makina para sa iyo.

Nagbigay uli si Juan ng mas malaking pera ngunit makalipas ang ilang araw ay nasira ulit ang makina na ibinigay sa kanya ni Jinggoy este Unggoy pala. Sa ngayon, nalaman na ni Juan na binabayaran lang pala ni Unggoy si Baboy para gumawa ng mas murang makina para sa kanya, at ibinubulsa na ni Unggoy ang malaking bahagi ng natira. Galit na galit na sinugod ni Juan si Unggoy sa bahay nya.

Juan: Ungoy! Linoko mo lang ako. Ang sabi mo tutulungan mo ako pero hinuhudas mo lang pala ako!

Unggoy: Kaibigan, hinding-hindi ko magagawa iyan sa iyo. Sa katunayan, yung ibang HAYOP nga diyan ang nagnanakaw sa iyo!

Hindi alam ni Juan (o nagtatanga-tangahan lang siguro siya), ay pinapatagal lang pala ni Unggoy ang usapan upang mapalumanay uli si Juan at makalimutan na ulit ang kaniyang ginawang pang-aalipusta sa kanya. Sa huli, may bagyong dumating sa bayan ni Juan at hindi na niya nahabol muli si Unggoy (at si Baboy) na nanloko sa kanya.

Posted October 1st, 2013 at 08:58 AM :: Ano masasabi mo?

« · »
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART