Kaya pala kay tamis ng pag-iibigan nila. Unang anibersaryo palang pala nila. Pero bakit nakatira na sila agad sa ilalim ng isang bubong? Ang kabataan nga naman. (Nakakainggit).
Naiiisip ko tuloy, sa mga susunod na taong pagdada-anan pa namin, sila parin kaya hanggang sa huli?
Pusta ko hindi. Gusto ko siya, at siguro gusto ko din siyang masaya. Pero pasensya na. Kung may natutunan ako sa edad ko, iyon ay ang ilusyon ng pag-ibig ay nawawala pagkatapos ng una (o pangalawang) taon.
Oo na, mapait na kung mapait. Minsan lang naman ako magka-ganito.
Posted February 7th, 2012 at 12:22 PM ::