Kamusta ka?

Entries for October, 2012

Ngayon. Bukas.

Kanina, napatingin ako sa kalayuan. Naisip ko tuloy kung gaano lang ako kaliit sa mundo... at kung gaano kaliit ang mga problema ko. Siguro nga, minsan, babagsak din ako. Pero hindi ibig sabihin nun ay magugunaw na ang mundo. Babangon ako at itataguyod ang nasirang aspeto ng aking katauhan.

Ang kinabukasan ay naghihintay para sa mga taong nagtyatyaga para maabot siya.

Sa kinabukasan, at sa ngayon.

Posted October 24th, 2012 at 11:20 AM :: Ano masasabi mo?

cleavage

Naisip ko lang. Yung mga babae kayang nagpapakita ng cleavage, magagalit kaya kung tignan ng mga tao (mga lalake) ang cleavage nila? Paano naman kaya yung mga maiikling skirt na iyon?

Nanunuod lang kasi ako ng palabas kanina na may mababang cleavage iyong babae e napagtanto ko kung ano naman kaya yung dahilan nun. Alam ko, mainit sa Pilipinas, pero bakit ang ibang tao hindi naghuhubad?

Ang sexy, hindi magiging sexy kung hindi titignan, hindi ba?

Posted October 25th, 2012 at 11:58 AM :: 2 na jejemons

« 2012/09 · 2012/11 »
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART