Kamusta ka?

Entries for November, 2012

Sa litrato nalang.

Kauna-unahang letrato mo na nakita ko simula pa nung highschool...

Maganda ka padin. Maputi. Mapupulang mga labi. Isang munting anghel na may matamis na ngiti at malambing na boses. Sana ipinagtapat ko na sa'yo dati pa ang nararamdaman ko... Kaso, masyado akong maraming pimples nuon, ni hindi din naman ako popular sa mga babae. Ano nga bang sagot ang makukuha ko?

Unang letrato pagkatapos ng maraming taon...

Hindi mo lang alam, patay na patay talaga ako sa'yo nun. Halos umiyak pa ako nung nalaman ko na namatay ang ama mo... at naghihirap na din kayo. Kwento pa nga sa akin ay onti-onting kinukuha ng mga kamag-anak nyo ang inyong mga natitirang yaman. Gusto kitang yakapin nun. Pero madami nang nakikiramay sa iyo. Hindi mo naman ako kailangan. Para lang gumuho ang mundo ko ng umalis ka na sa paaralan (pribado kasi at may kamahalan din). Hindi na kita nakita muli kahit sa litrato...

Hanggang makita ko ang letrato mo sa facebook...

Akalain mo. Ikaw parin ang babaeng pinapangarap ko. Medyo nadagdagan ka na nga lang ng timbang; nakaupo sa berdeng damo. Matatamis na mga ngiti... katabi ng kaparis na kagandahang mukha ng katabi mo. Buntis ka na pala. May picture pa ng ultrasound. Di pa kayo kasal, pero mukhang masaya naman kayo. 

Pero salamat narin at nakita pa kitang muli. Maaalala mo pa kaya ako kung nagkita tayo? Siguro hindi. Siya ang mundo mo. At ako? Isang nakalimutang mukha sa nakaraan. 

Pero kahit gayon pa man. Salamat. Nakita na kitang muli. 

Posted November 2nd, 2012 at 02:18 PM :: Ano masasabi mo?

« 2012/10 · 2013/06 »
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART