Kamusta ka?

Entries for June, 2012

Bakit nga ba?

Bakit ba ang mga babae may sari-sariling drama?

"Hindi ako tumitingin sa mga gwapo..."

Pero puro naman gwapo ang mga naging boypren? Uso lang siguro at walang gustong matawag na shallow sila. Pero kung iisipin, angkop nga naman ito sa Darwin's Theory of Evolution na: "survival of the fittest", hindi nga ba?

Syempre ang pipiliin ng mga nilalang ay ang isa pang nilalang na may kaaya-ayang katangian para magpatuloy ng kanilang species...

Hay buhay, kahit ba naman ang batas ng kalikasan hindi kampi sa akin.

Posted June 8th, 2012 at 12:30 AM :: 4 na jejemons

Tayo nalang kaya?

Hindi dahil iniisip mo siya palage ay mahal mo na siya...

Kung bakit ba naman sa dinami-dami ng mga "lonely" na tao sa mundo e hindi parin ma-solusyunan ang problemang ito. Hindi ba simple lang naman ang sagot diyan? 

Lonely ka, lonely ako. Di naman ako kapangitan, at ganun ka din naman. Pwede ba tayo nalang (muna)?

Ano kaya ang mali dun?

 

  • Ang pag-iisip na hindi mo pa ako mahal? Hindi mo magiging mahal ang isang tao kung hindi mo susubukan, kung hindi mo pagbibigyan at kung hindi mo kikilalanin.
  • Ano pa? Na "you can do better?", siguro nga, siguro hindi. Bakit, mas masaya ka bang magisa?
  • Ano, broken-hearted ka? Bakit kasi nagpakatanga ka dyan sa gagong yan kung andito naman ako... ako na alam ang value ng pagiging mag-isa, at siguro ang pantasya ng pagkakaroon ng pagbibigay ng importansya sa taong nagbibigay ng importansya sa akin.

 

Broken-hearted ka, broken-hearted din ako...pwede ba buuin nalang natin ang dawalang kalahating puso? Tutal,  alam na naman natin kung paano masaktan e...

:(

Posted June 12th, 2012 at 02:09 AM :: 2 na jejemons

Mapait na matamis

"Bakit di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo."

Hindi dahil naiisip mo siya palage ay mahal mo na siya...

Makulimlim na naman ang kalangitan ngayong araw. Hindi ko na tuloy matukoy kung sino ba ang unang nalungkot ngayong araw, kung ako ba o ang langit. Napapaisip na naman tuloy ako ng mga bagay na hindi makabuluhan lalo na sa tulad kong nagiisa. 

Maraming beses ko na din naisip na makipagdate uli sa mga tao. Alam mo yun, yung i-try talaga manligaw. Kaso, katulad ng dati, parehong dahilan padin ang humahadlang sa'kin:

  1. Sino ang liligawan?
  2. Sino ang magpapaligaw?
  3. At dahil narin sa hina talaga ng loob ko mag-approach sa mga girls.
Yun ang mga dahilan ko dati...pero ngayon, nadagdagan pa ng:

     4. Baka magkasakitan lang kami sa huli.

Mahirap ang pakiramdam ng mag-isa lalo na kung wala ka masyadong itinuturing na kaibigan. Kahit naman sinasabi kong ayoko ng responsibilidad (na totoo naman), hindi ko parin maiwasan maisip na papaano kung may kasintahan nga naman talaga ako.

 

Bitter-sweet ika nga.

 

Napansin ko lang. Ang pinakamasarap na parte ng pagkakaroon ng kasintahan ay ang simula palang kung saan bago palang ang lahat at wala pang pagkakasawaan. Pag nagtagal kasi, parang taken-for-granted na ang turingan. Pero tulad nga ng sabi ko, meron man o wala, bitter-sweet talaga.
Siguro nga mas mabuti pang mag-isa nalang muna ako. At least wala pa akong naidadamay sa mga minsang sakit na ganto.

 

Posted June 17th, 2012 at 08:01 AM :: 1 na jejemons

hartbreyk

Akala ko kapag walang girlfriend, di na masasaktan ang puso. Ganun padin pala. 

:(

Pasensya na 'tay, di pa ako masyado makatulong ngayon. Alam ko tumatanda na kayo at hindi nyo na po nakamit ang mga pangarap nyo pero tatandaan ko po ito para magsipag ako.

Hindi ko alam napapahirapan pala kayo ng ganyan sa trabaho nyo...

Sana wag nalang ganto. Parang ayoko na ipagpatuloy nyo yan... Mahirap buuin ang loob kapag ito'y nasira na.

Posted June 19th, 2012 at 06:50 AM :: 1 na jejemons

ang "boypren matiryal" sentimyento

Siguro palagi ko lang nakalilimutan (o hindi naiisip) na kapag ikaw ay isang boyfriend, madalas ipinagmamalaki ka ng iyong kasintahan sa mga tao.

Nitong umaga lang kausap ko ang isang babae, kitang-kita mo kung gaano siya ka-animated kapag ikinukwento nya ang kanyang boyfriend. Ang boyfriend daw niya ay isang manager sa construction. Mabait daw, at maalaga din. Lilipat na daw siya sa kanya dahil kaya naman daw niyang suportahan yung babae. Makikita mo sa kanyang mga mata kung gaano kaliwanag ang kanyang pangarap kasama siya. 

Naalala ko tuloy yung dati. Proud din kaya sa'kin ang mga naging kasintahan ko? Ikinukwento din kaya nila ako sa iba? Sa ngayon ni hindi ko na maisip kung papaano pa magiging proud sakin ang kahit sino. Miski ako nga ikinakahiya ko ang sarili ko.

Hindi ako isang boyfriend material. Kung dati akala ko ay ganun, ako ay nagkamali. Kaya nga nagkaloko-loko ang lovelife ko hindi ba? Isa na akong "cautionary tale" ika nga ni brad Tom Cruise. Isang broken beyond repair na tao.

Buhay nga naman. Kung saan ka nagsimula, sa iba ka pupulutin pagkatapos. Tulad ng kwento ko ngayon.

Ano na nga ba pinaguusapan natin???

Posted June 20th, 2012 at 04:49 AM :: 1 na jejemons

Mabuhay ka, Ka Dolphy

Nagpropose din daw pala ng kasal si Dolphy kay Lotis Key dati...

Naisip ko tuloy kung si Dolphy ang Phil Younghusband nuong kapanahunan nya, kaya tuloy marami siyang nalokong mga babae. Isipin mo nga naman. Nakakatawa, mayaman at siguro (siguro lang ha) gwapo na din. Sino nga ba naman ang hindi magkakamali sa lalaking ganito kahit na meron na siyang ibang mga kasintahan o kabit.

Naalala ko iyong magazine na nabasa ko sa Amerika nuon na sinasabing mas marami na ang populasyon ng mga lalake sa buon mundo kumpara sa lalake. 1 babae para sa 2 lalake na ata, kung hindi ako nagkakamale. Pero kung ang 2 babae ay kumakabit pa sa nagiisang lalake, paano naman kaya ang natitirang 3 mga lalake? Ay oo nga pala, buti nalang may mga bakla diyan para alisin ang mga kakumpitensya. Salamat naman sa mga bakla.

Sabi nga ni Hesus: 

"...kung sino ang hindi laban sa atin, ay para sa atin."

Mabuhay ka, Ka Dolphy at ang mga bakla!

Posted June 29th, 2012 at 11:31 PM :: 1 na jejemons

« 2012/05 · 2012/07 »
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART