Kamusta ka?

Tayo nalang kaya?

Hindi dahil iniisip mo siya palage ay mahal mo na siya...

Kung bakit ba naman sa dinami-dami ng mga "lonely" na tao sa mundo e hindi parin ma-solusyunan ang problemang ito. Hindi ba simple lang naman ang sagot diyan? 

Lonely ka, lonely ako. Di naman ako kapangitan, at ganun ka din naman. Pwede ba tayo nalang (muna)?

Ano kaya ang mali dun?

 

  • Ang pag-iisip na hindi mo pa ako mahal? Hindi mo magiging mahal ang isang tao kung hindi mo susubukan, kung hindi mo pagbibigyan at kung hindi mo kikilalanin.
  • Ano pa? Na "you can do better?", siguro nga, siguro hindi. Bakit, mas masaya ka bang magisa?
  • Ano, broken-hearted ka? Bakit kasi nagpakatanga ka dyan sa gagong yan kung andito naman ako... ako na alam ang value ng pagiging mag-isa, at siguro ang pantasya ng pagkakaroon ng pagbibigay ng importansya sa taong nagbibigay ng importansya sa akin.

 

Broken-hearted ka, broken-hearted din ako...pwede ba buuin nalang natin ang dawalang kalahating puso? Tutal,  alam na naman natin kung paano masaktan e...

:(

Posted June 12th, 2012 at 02:09 AM :: 2 na jejemons

kamusta requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Comment posted on June 12th, 2012 at 08:10 PM
sana nga ganun lang kadali yun noh?! ;)
Comment posted on June 12th, 2012 at 08:54 AM
hindi ganun. bigya mo dapat ng chance ang sarili mo na magmahal at mahalin ng buo.
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART