Kamusta ka?

Mapait na matamis

"Bakit di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo."

Hindi dahil naiisip mo siya palage ay mahal mo na siya...

Makulimlim na naman ang kalangitan ngayong araw. Hindi ko na tuloy matukoy kung sino ba ang unang nalungkot ngayong araw, kung ako ba o ang langit. Napapaisip na naman tuloy ako ng mga bagay na hindi makabuluhan lalo na sa tulad kong nagiisa. 

Maraming beses ko na din naisip na makipagdate uli sa mga tao. Alam mo yun, yung i-try talaga manligaw. Kaso, katulad ng dati, parehong dahilan padin ang humahadlang sa'kin:

  1. Sino ang liligawan?
  2. Sino ang magpapaligaw?
  3. At dahil narin sa hina talaga ng loob ko mag-approach sa mga girls.
Yun ang mga dahilan ko dati...pero ngayon, nadagdagan pa ng:

     4. Baka magkasakitan lang kami sa huli.

Mahirap ang pakiramdam ng mag-isa lalo na kung wala ka masyadong itinuturing na kaibigan. Kahit naman sinasabi kong ayoko ng responsibilidad (na totoo naman), hindi ko parin maiwasan maisip na papaano kung may kasintahan nga naman talaga ako.

 

Bitter-sweet ika nga.

 

Napansin ko lang. Ang pinakamasarap na parte ng pagkakaroon ng kasintahan ay ang simula palang kung saan bago palang ang lahat at wala pang pagkakasawaan. Pag nagtagal kasi, parang taken-for-granted na ang turingan. Pero tulad nga ng sabi ko, meron man o wala, bitter-sweet talaga.
Siguro nga mas mabuti pang mag-isa nalang muna ako. At least wala pa akong naidadamay sa mga minsang sakit na ganto.

 

Posted June 17th, 2012 at 08:01 AM :: 1 na jejemons

kamusta requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Comment posted on June 17th, 2012 at 02:30 PM
the feeling is mutual... :(
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART