Matagal din tayong hindi nakasulat. Binasa ko yung mga sinulat ko nung nakaraang taon at napagtanto ko na ang aking lungkot ay sanhi ng aking pagkalugmok sa karaniwan. Ngayon, masasabi ko na iba na ang lahat: lumipat na kami ni misis ng tahanan. Bagong mga tao, bagong mga trabaho, bagong kalsada na muli kong kakabisaduhin. Ngunit ngayon, hindi parin ako masaya.
Siguro nga tama si misis. Kailangan kong baguhin ang estado ng aking pagiisip, at isipin ang mga mabuting nangyari sa amin sa halip na masama. Sabi nga ng boss ko, kung ano ang iyong isipin, maganda man o masama, yun ang iyong maaakit sa buhay. Tama nga naman.
Marami akong babayaran pero may pambayad pa naman.
Wala pa akong trabaho pero parang nakabakasyon lang ako.
Maliit lang ang tahanan pero pero pero malinis 'to pati na kusina.
Mahirap mabuhay pero buhay.
Sa muli.
Posted June 23rd, 2025 at 08:29 PM ::