Kamusta ka?

Entries for March, 2024

Maligayang araw ng Pagkabuhay

Abril na. Sa taon ng 2024. Tila kailan lang ng ang pinaka malaking problema ng mundo ay ang Covid-19. Ngayon, may gera na kung saan saan, nagmamahal na bilihin, mga taong walang makain o matirhan. 

Ito na kaya ang sinasabi nilang siglo ng katapusan? Ah ewan. Parang ganito naman talaga dati pa eh. Isang siklo ng kapayapaan, kaunlaran na onti onting lumulubog sa kaguluhan at kahirapan. 

Siguro ang naiisip kong aral sa araw na ito ay isang aral ng pag-asa. Hindi porket nahihirapan ka ngaun ay palagi ka nang mahihirapan. Kailangan siguro nating maghintay para sa mga araw na mabubuhayan ulit tayo ng loob. 

Ah ewan. Yan ang naisip ko ngayon eh. 

Posted March 31st, 2024 at 03:45 PM :: 1 na jejemons

« 2024/02 · 2024/04 »
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART