Kamusta ka?

Entries for August, 2012

Isang lihim na bulong...

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin


Posted August 1st, 2012 at 11:36 AM :: 4 na jejemons

Pasensya na...

Naisip ko lang, bakit ba natin kailangan pa humingin ng kapatawaran kung hindi rin naman nito mababago kung ano pa ang nangyari? Bakit ba kailangan pa ng ibang tao na malaman na sumama din ang loob ng may kasalanan upang mapatawad lang nila ito?

At saka ano itong sinasabi ng iba na "Kung ang Diyos nga marunong magpatawad, e ang tao pa kaya?" E Dyos nga siya diba? Ang almighty, ang alpha at ang omega. Kaya nya siguro yun, pero tayong mga tao, minsan hindi.

Madaming beses lang kasi ako nagsabi ng "pasensya na" nitong nakaraang araw. Syempre masama rin ang loob ko, pero minsan kasi kailangan ko ding maging makasarili. Siguro nga, kung may nagbago man sa akin nitong huling limang taon, iyon ay naging mas matigas ang loob ko. Naiisip ko tuloy na siguro tinubuan na sa wakas ng kalyo ng puso ko.

Makasarili at matigas. Eto ang ginusto kong mangyari sa sarili ko dati. At ngayong ganito na ako, parang hindi naman pala kasing astig ng mga action hero na napapanood ko sa telebisyon dati. Pero... parang napaka-hipokrito ko naman kung sasabihin kong sana maging "mabait" ulit ako tulad ng dati... Ginusto ko 'to e.

Kahit na minsan, hindi nanggagaling sa puso ko ang mga salitang "Pasensya na.."

Posted August 5th, 2012 at 05:15 AM :: Ano masasabi mo?

Pweh!

Di naman pala ako inlab... senti lang naman pala ako. Reincarnation kaya ako ni Eeyore mula sa Winni the Pooh?

Posted August 6th, 2012 at 06:03 AM :: 2 na jejemons

Heartbreak, panget!

Naalala ko lang iyong nabasa ko dati sa isa sa mga blogs dito. Ang sabi...

There's something heartbreaking about looking at a very beautiful girl and thinking "She would never go for a guy like me."

Totoo nga pala. Sayang naman, marunong din naman magmahal ang pangit na katulad ko e. :( Iyon nga lang, hindi talaga maipag-mamalaki sa mga kaibigan, magulang o siguro pati na sa mga exes.

Bakit pa nga ba nagsabog ng kapangitan ang Diyos na mahabagin sa mundo?

Posted August 13th, 2012 at 01:32 PM :: 2 na jejemons

Drama-rama sa tag-init

Bakit nga ba gustong-gusto nating manuod ng mga drama? As if namang hindi pa punong drama? As if namang hindi pa puno ng drama ang buhay natin. Palagi ko lang nadidinig "...maganda yung kwento." Pero bakit kaya kapag ikaw mismo ang nasa sitwasyonna iyon e wala kalang magawa-gawa kundi humagulgol at isumpa ang Diyos at mundo.

Ang kadramahan nga naman ng buhay oo.

Bow.

Posted August 17th, 2012 at 01:20 PM :: Ano masasabi mo?

Generativity vs Stagnation

Kausap ko si daddy kanina, tinatanong ko kung ano ang gusto nyang regalo para sa birthday nya. Sabi nya magpakabait nalang daw ako. Nabakas ko sa mga mata nya, parang mga nangingilid na mga luha. Pagod daw siya sabi nya... 

Posted August 24th, 2012 at 11:40 AM :: Ano masasabi mo?

« 2012/07 · 2012/09 »
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART