Kamusta ka?

Sa Siyudad

Bakit nga ba naitali ko na sa iyo ang siyudad na iyon. Sa tuwing napapadpad ako ay naiisip ko palagi na baka (o sana?) bigla kitang makita sa kung saan man... Kasama ang mahal na mahal mong kasintahan.

Siguro naiinggit lang ako sa kanya dahil nakakita siya ng babaeng katulad mo. Hindi naman ako naghahanap ngayon pero kung makakakita ako ng katulad mo... Siguro mararamdaman ko na napakaswerte kong tao... Siguro hindi na ako maghihimutok pa katulad ngayon...

Sayang... May mga napakaswerteng tao talaga sa mundong ito... Sayang... Hindi naman ako kasama dun.

Mag-isa nalang kaya ako habang buhay?

Posted July 29th, 2012 at 02:24 PM :: Ano masasabi mo?

kamusta requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART