Kamusta ka?

Teks

Mahal kita

Walang iba

Paniwalaan mo sana

Ito sinta...

 

Nalala ko bigla nung bata pa kami. Rina-rub naming ng bawang yung mga teks para daw mas magaling...

Kay simple nga lang naman ng buhay nuon... Puro pamahiin tungkol sa mga laruan.

 

Saan na napunta? Ni hindi man lang namalayan.

 

Pero kung iisipin mong mabuti, parang ganun padin naman pala. Nangongolekta padin tayong lahat ng teks. Pero ngayon, ang tawag natin sa mga parisukat na mga papel na iyon ay pera...

Kailan kaya ako mananalo ng lotto? Para naman marami na akong pang-teks.

 

 

 

 

Posted July 8th, 2012 at 01:15 PM :: Ano masasabi mo?

kamusta requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART