Kamusta ka?

hartbreyk

Akala ko kapag walang girlfriend, di na masasaktan ang puso. Ganun padin pala. 

:(

Pasensya na 'tay, di pa ako masyado makatulong ngayon. Alam ko tumatanda na kayo at hindi nyo na po nakamit ang mga pangarap nyo pero tatandaan ko po ito para magsipag ako.

Hindi ko alam napapahirapan pala kayo ng ganyan sa trabaho nyo...

Sana wag nalang ganto. Parang ayoko na ipagpatuloy nyo yan... Mahirap buuin ang loob kapag ito'y nasira na.

Posted June 19th, 2012 at 06:50 AM :: 1 na jejemons

kamusta requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Comment posted on June 19th, 2012 at 12:21 PM
ganyan rin ang nararamdaman ko sa ngayon. Ngayon hirap ako dahil magsasara na yung kumpanyang pinapasukan ko. tapos nanay ko kakaopera lang sa kidney so talagang pag napapaisip ako ng gagawin nanghihina na ko.

Pero kaya natin yan! Ika nga ng pinaka famous na cliche sa mundo, "minsan nasa itaas ka minsan nasa ibaba". Sana ay maging ok ka kapatid :)
Hindi ako 'to. Hindi sa 'kin 'to.

Ang sayt ay pinapatakbo ng Tabulas
Disenyong templeyt ni theForsaken
Inspirasyon ng disenyo mula sa DeviantART