"Sa mga Filipino movies, mabilis sila magsabi ng mahal kita." Siguro nga. Hindi ko alam kailangan muna palang magpakamatay bago pa magkaroon ng karapatan sabihin iyon. Pero totoo naman. Masyado na ngang gasgas ang kasabihang "Mahal kita" na ito'y napagkakamalan na minsan para sa "Crush lang kita." Anong pinagkaiba? Ang isa madaling mawala...at ang isa tinutupad. Alam ng lahat ng nagmahal kung ano ang ibig sabihin ng "tinutupad" na iyon.
Pero salamat nalang sa pag-sama. Salamat na din sa pag-iwan. Ipinaalala mo sa akin ang sarap ng pagmamahal at ang sakit ng realidad.
Ang puso nga naman, puro pakiramdam lang ang pinaiiral...
Kung naging Hapon kaya ako, Puti o Koreano, magiiba kaya ang kwento natin? Ay! Kahit ano nga pala sa mundong to. Basta't gwapo at mayaman. Ang malas ko naman.
Posted January 28th, 2012 at 02:46 PM ::
dimas-away

kamusta